Wednesday, August 30, 2006

pitysporum ovale

mainit sa kwarto.
medyo maailikabok na ang mesa.. kakalinis ko lang ng kwarto nung sabado pero medyo madumi na naman...
maglilinis ako uli sa sabado..

habang inaantay kong kumonek ang internet namin, kinukutkot ko ang aking balakubak..
kadiri ko no.. pero self-gratifying siya...
bad habits die hard.. (tama ba yun?!)
i find pleasure in collecting accumulated samples of the pitysporum ovale species..

ngano man.. palag ka?!!!

ok. nakikinig ako ngayon ng radyo.. aalis sila papa para bumili ng regalo para sa birthday ni mama.. maingay yung bata sa labas... ayaw kumonek.. ubos na ang card.. patuloy na lang ako kwento..

drop it like it's hot ang kanta.. ampogi ni pharell.. the coolest nerd alive, man!!!

hmm.. tapos na ang kanta.. christina aguillera.. dirty.. ngek. ampanget..

ililipat ko lang sandali ng station..

ok.. back to dandruff.. ang dandruff ko, stress related... nagReturn Demo kasi ako ng Physical Assessment kanina.. yung kasabay ko pa talaga na nagdedemo sinisigaw-sigawan ni CI Umbridge.. laking pasasalamat ko lang talaga na hindi siya CI ko kanina..

nagpapasalamat din ako at hindi natuloy yung gustong mangyari(feel ko) ni Umbridge na ituloy ang pag demonstrate ng actual breast exam..pinaka-grabeng exposure na kanina ng aking patient ay ang pagpapakita niya ng kanyang tiyan at legs.. yun lang.. bismillah

medyo natatakot nga lang ako sa magiging resulta ng performance ko.. medyo marami-rami rin ang mali ko dun eh..

hmm.. noon pa to.. pag may mga pangyayari na medyo unusual/exciting/out of the ordinary routine/ stressful, nangangati ang ulo ko at nagmimistulang pabrika ng skyflakes.. kung di naman ganun, may nangyayaring kakaiba sa buhok ko.. medyo tumatayo.. parang tinapat sa kaka-on lang na tv..

ano ba namen...

sana naman ang stress reactions ng katawan ko ay pag-bloom ng skin o di kaya pagtaas ng adrenaline levels tapos lalakas loob ko at bigla akong magvovolunteer na sumagot ng math problem..

ano kaya ulam namin? medyo sawa na ako sa manok.. kakakain ko lang ng adobo kanina(my peybourit!!!)

kamtutinkopit... manok lang ako nang manok ah.. di kaya ang pag kain ko ng manok ang rason kung baket nagkakabalakubak ako? posible.. si mama, allergic sa manok eh.. hmm...

pero paborito ko manok eh!!! kaya nga cheekai eh..

teka.. san ba galing yung nickname ko na cheekai? hmm...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home